Paminsan talaga nagiisip ako.. anu ba magandang isulat sa araw na ito..
Kung anu-aon ang lumalabas.. tungkol sa pag-ibig, sa bisyo, sa pagiging bigo
paminsan, tungko sa kanto na aking nadaanan. Madaming pumuputok ang biglang
pumapasok sa munting utak na ito.. pero may nakaklimutan ako parati...
Ang pagsusulat.. ay hindi gawaing isip lamang.. ito ay ginagawa ng buong
PUSO
Oo, ang bawat salita, ang bawat letra.. dapat ay nagagaling ito at nakaugat sa parte ng
ating katawan na pinakamahirap labanan.. ang puso.. Kaya paminsan, parang wala akong maisulat.. Siguro dahil ay walang laman ang aking puso, o kaya nama'y masyado akong nagiisip..
Kaya na din siguro ako nauubusan ng mga salita.. dahil hindi na ako nakakaunawa ng maayos sa aking damdamin.. nawawala na ang libog paminsan dahil parang..
"Wala namang pinatutunguhan
ang mga pinaggagagawa ko eh!"
Kung nahalata nyu, hindi isang tula ang sinusulat ko ngayon, ngunit isang... masasabi nating isang "essay".. bakit? nakakapaniobago ba? pasensya, naganahan lang siguro ang aking mga kamay..
Lahat ng mga tula na naisulat ko.. ay galing sa akin.. ngunit hindi lahat ay galing sa puso..
Mga iba dyan, natripan lang, tipong, katuwaan.. ang mga iba naman ay ang mga masyadong emosyonal na bagay na tipong masyadong pinapalaki ang mga maliliit na bagay.. Ngunit kulang parin...
Kung nauunawaan nyu ang mga nakasaulat dito ay salamat ng lubusan dahil kahit papaano ay
may nakakaunawa sa aking mga gawa.. kung hindi naman, pagbigyan nyu nalang ako at susubukan ko pang galingan upang maunawaan at matuwa kayo sa aking mga likha..
Puso.. sa totoo lang.. iniiwasan ko ang romansa ng mga tao.. ngunit ngayon ay hindi ko ata ito magawa.. Natamaan ata ako ng pana ni kupido.. Ako'y nabibighani sa kagandahan niya..
At dapat ay magbigay siya ng inspirasyon saakin.. ngunit hindi.. muhkang masnahihirapan pa nga ako magsulat pag siya ang nasa isip ko.. Bakit? Hindi ko alam.. ngunit dahil sa kahirapan na ito lalaban ako, at gagawa ako.. Balang araw.. mababasa niya ang likha ko para sakanya at sa awa ng diyos, sana ay maunawaan niya ito.. Ayaw ko nang madapa muli..
Madrama ba? pagpasensyahan na.. Galing kasi sa Puso ang lahat ng naisulat ko dito.. kahit malabo.. dahil ang puso, malabo ang mga pinaggagagawa..
salamat..